Sino ba ang batang napagkaganda at kahuma-humaling na si Alyssa noon... (wag ka na maghanap pa ng iba.. ito na ko oh!)
Eto seryoso na kung ayaw mo talaga paawat. Kung tatanungin mo ko ng ganito kahit ala na yung mga naunang pang-uri... e masasabi kong.. ako na ang pinakawalang kwenta at pinaka walang silbi (magkatulad lang yun ng kahukugan..=)) na dyosang nabuhay dito sa sansinukob...
Eto seryoso na kung ayaw mo talaga paawat. Kung tatanungin mo ko ng ganito kahit ala na yung mga naunang pang-uri... e masasabi kong.. ako na ang pinakawalang kwenta at pinaka walang silbi (magkatulad lang yun ng kahukugan..=)) na dyosang nabuhay dito sa sansinukob...
MGA PINAKAMALAKING PAGSISI SA BUHAY KO
Paalala:ang parteng ito ay ang matatawag kong "ang sablay na si AKO". pakiusap lang, wag tatawanan.. manahimik na lang.. kung tatawa man, walang tunog at bawal lumabas ang ngipin. game.
kung meron mang higit sa PINAKAMALAKI.. eto na yung mga yun..
- Naging batang inbentor ako at nakatanggap ng award for "Best in Invention" noong "feel na feel" ko ang pagtugtog ng bass guitar habang kinakapa ko lamang ang mga kwerdas... at tandaan. ito ay naganap sa pyesta ng Carasuchi... parang nagppraktis lang akong... mapahiya..
- Nasabunatan ako ng chem teacher ko sagad sa anit tanggal pati dandruff dahil sa ginamit ko ay kerosene imbis na denatured alcohol. Kaya naman parang nagsiga dahil sa itim ng usok. Tandaan: nangyari ito sa chem activity namin sa lab.. sa harap ng buong klase. subukan nyo rin.
- Natagusan ako ng isa.dalawa.tatlong beses! isang araw lang yun. Ang matindi wala ako sa bahay at dalawang beses akong nanghiram ng pampalit sa kaklase ko
- Nauntog ako sa poste sa school. Una: dahil sa pangaasar ko kay KuYa Aj. Pangalawa: dibdibang pag-aaral sa El Fili
- Eto isa sa matindi na kulang na lang ipagpalit ko mukha ko kay Godzilla sa sobrang kahihiyan. Nakita ng PEHM/CAT teacher ko na poging pogi yung video na ginawa ko kay "special someone dati". Kaya na lang magimagine kung ano ang reaksyon ng teacher ko.
- Para akong binilad sa sampayan ng matapon ko ang isang timbang tubig sa buo kong katawan ng magbubuhos na ako pagkatapos akong tawagin ng kalikasan. tandaan: umihi lang ako.. hindi kung ano ano yang iniisip mo. isa pa. nangyari ito sa bahay ng kaklase ko.malas at hindi umulan. hindi na sana mahahalata.
- eto grade 6 na ko. pinakahinahangaan kong manunulat ng tula ay si "Anonymous". pinagmamalaki ko pa siya sa lahat noon.
kung meron mang higit sa PINAKAMALAKI.. eto na yung mga yun..
HIGIT PA SA PINAKAMALALAKING PAGSISISI SA BUHAY KO
paunawa: ang mga sumusunod ay ang mga pinagsisisihan ng "isip-batang si AKO". pwedeng magalit. tanggap ko. ps.serious ako
gusto kong magpasalamat sa mga taong nasaktan ko dahil sa dami ng natutunan ko. at alam ko. sa mga nagawa ko e meron din kayong natutunan kahit kasing liit lang ng amoeba. at kahit pagod na pagod na kayong marinig to. o di nyo pa naririnig eh.
- hinayaan kong umalis yung mama ko at pumunta sa ibang bansa para magtrabaho
- hindi ko kailanman naging ka close ang mga taong nagpalaki sa'kin.
- sinira ko ang malaking tiwalang ibinigay sa'kin ng isang malapit na kaibigan
- naging plastik ako
- makailan kong siniraan sa ibang tao ang isang taong malapit sa'kin. in short, sinaksak ko siya sa likod. shorter, mamamatay-tao ako.
- minahal ko ang isang tao sa dalawang pagkakataon ngunit iniwan ko siya sa ere ng makailang beses. bahala na kayo magbilang.
- nagsinungaling ako sa mga kaibigan ko at sa sarili ko. isa akong malaking maskara.maskarang walang kwenta.dapat itapon. pero parang plastik na habang buhay na di mawawaglit sa buhay.nakakainis.
gusto kong magpasalamat sa mga taong nasaktan ko dahil sa dami ng natutunan ko. at alam ko. sa mga nagawa ko e meron din kayong natutunan kahit kasing liit lang ng amoeba. at kahit pagod na pagod na kayong marinig to. o di nyo pa naririnig eh.
PATAWAD
. alam ko hindi mawawala lahat ng yun sa simpleng salitang yan pero...
PAGPASENSYAHAN NYO NA ANG TATANGA TANGANG BATANG ITO.
.......................KASI PAGLAKI KO.....................
5'5 " NA KO.. =)
.......................KASI PAGLAKI KO.....................
5'5 " NA KO.. =)
hmm..intriguing
kinkbhan nga aku nung nisusulatkuh tuh weh.. bwahhaha.. yes! s wakas! ibg sbhin lang netu.. naaccess muh na xa! c'mon!
aa.. ok.. twa nmn ako.. T_T
halata ngang masaya ka ian