May mga bagay na matagal ng natapos na hindi na kailangan pang ibalik.
Una. Hindi naman yun matatapos kung walang dahilan para matigil yon.
Pangalawa. Hindi maitatama ang mali ng napakarami pang pagkakamali.
Pangatlo. Paulit-ulit lang kayong masasaktan.
Sabi nga nila, ang mata ay ginawa hindi upang iyakan ang nakaraan kundi upang harapin ang kasalukuyan.
Kung magpapaiwan ka sa agos ng mundo, wag kang umasang titigil ang oras para humabol sa'yo. Ikaw ang naiiwan at kung maglulugmok ka lang, habang buhay kang nakakulong sa mundong ginawa mong malungkot para sa'yo.
Ang dapat mong gawin? Tanggapin ang katotohanan. Nagbabago ang mundo, ang paligid mo at ang taong nabubuhay dito. Hindi dahil mahal ka niya ngayon ay mamahalin ka niya habang buhay. At hindi dahil kinasusuklaman ka niya ngayon ay hindi ka na niya mamahalin pa. Pare-pareho lang tayong naglolokohan. Puro kasinungalingan. Di mo alam ang dapat paniwalaan.
Pero isa lang ang totoo. Kung hindi mo tatanggapin ang pagkabigo mo, palagi kang talo.
Una-unahan lang iyan. Sa ngayon, nasasabi mo na di mo siya kayang kalimutan. Pero pag nakahanap ka na ng bago, maiisip mong ang laki mo palang tanga at masasabi mong naunahan ka lang niya.
Wag magmadali. Oo. Hindi madaling makalimot pero wag mong pwersahin ang sarili mong pumasok sa isang panibagong yugto kung hindi ka pa handa. Kasi sa huli, pareho lang kayong masasaktan. At sinong talo? Laging ikaw.
Pwedeng maghinanakit, umiyak, maglugmok at magalit. Pero wag mong tatangkaing itigil ang buhay mo. Sasabihin ko sa iyo, ang tanga mo kasi pumasok ka sa ginawa mong mundo na hindi mo kayang labasan. Kung maglulugmok ka ngayon, bukas, ayusin mo buhay mo. Hindi magluluksa ang mundo kasama mo.
Isipin mo kung bakit ang ibang tao sa paligid mo ay nakakayang tumawa. Hindi mo aakalaing ang problema nila ay mas mabigat pa sa dinadala mo. Sa laki ng mundo, wala pa sa kalingkingan ang importansya ng paghihinakit mo.
Pag nakalabas ka na sa mundong ginawa mo, hayaan mo naman ang ibang tao na gumaya sa'yo na makatayo sa pagkakadapa nila. Sa ngayon, ikaw naman ang panalo.