Wag muna
Okay. Hindi pa ko tapos sa mga assignments ko. Pero isusulat ko na to bago pa man sila maglaho sa utak ko.

HAAAAAAAAAAAAY.

OO. Isang mahabang buntong-hininga.

Una. Dahil ang fail talaga ng writing skills ko. (At ang proof ay ang pag Taglish ko. Pero madami pa bukod dun.)
Pangalawa. Wala pa akong napipiling tula para sa Speech bukas.
Pangatlo. Wala pa akong nabubuklat para sa Chem at Math. Nilalamon na nila ako. Alyssa, gising na please!
Pangapat: Medyo naguguluhan ako sa kinikilos ng kaibigan ko.
Panglima: GUSTO KONG MAGPAHINGA! Ano ba?!

Pero ang talagang bumabagabag sa isip ko, icancel ang lahat ng acads ay ang kaibigan ko. Yep. KAIBIGAN. as in kaibigan. oo kaibigan nga. Tawa na lang.

No intimate connotations. I must clear.

E kasi naman. Ako ba ang dakilang manhid??? Ayokong matulad nung sa high school na naman. Na di ko alam na may nasasaktan na pala ako.

AYOKO KASI NG NAGAASSUME. KUNG MAY GUSTO KANG SABIHIN, SABIHIN MO NG DIRETSO SAKIN. PERIOD. (note: Hindi po ako galit. Ineemphasize ko lang =))

Anyway, nakakatrauma kasi yung high school. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi nakakahalata ng mga lumelevel up na damdamin lagpas sa pagiging magkaibigan.

Mahirap magassume para saken kasi hindi naman sa mapride pero kasi baka mali rin naman yung mga napapansin ko. So ang rule ko, hangga't wala siyang inaamin. Wala lang saken. Kaibigan lang kami.

Pero!!! Oops wait lang. Alam mo yun, nakakatakot lang talaga na bigla siyang umamin. Susme. OO. ikaw, ikaw nga. Bakit out of the blue mo ginagawa ang mga kabagayang ito???

Alam mo yung nalaman ko sa aking mga katropahan na meron nga at antagal tagal na pala na hindi ko naman napapansin, alam mo yung parang gumuhit ang isang malaking question mark sa harapan ko, na "We?! Seryoso ba to? Ako ba talaga?"

Alam mo yung parang hindi ko naimagine na ganon pala. Sorry naman. Ako na nga ba talaga ang dakilang manhid. Para dun, super nagsosorry talaga ako.

At yun nga, sinabi nga nila na meron, pero hindi ko alam kung ano na ba yung status nung "meron" na yun.

Base kasi sa mga ginagawa mo e.... actually hindi ko alam kung saang level na ba yung "meron" mo. At mas makakatulong kapatid kung sasabihin mo saken ng diretso. Pero dahan dahanin mo lang ha. Baka mahimatay ako. Hindi ako handa sa mga biglaang pangyayari. Baka higupin ako ng sangkalupaan.

Ayon, pero kung crush crush happy crush lang yan, gorabels lang, hindi man ako kagandahan e salamat naman.
PERO kung more than crush na yan kuya e, inaadvice ko po na wag muna kapatid. (ang harsh ko ba?Hindi naman sa ganon)

Pero alam mo, hindi kita pinipatagil dahil sa ayaw kita, pero ako yung dahilan. Kahit na kanino pa, ayoko muna. Kasi sa ngayon, di pa ko ready sa mga ganitong kabagayan at sinasabi ko sayong hindi ko alam kung kailan ako magiging ready.

AYOKO lang kasi na may naghihintay saken. Na yung alam ko na parang may umaasa.

Nakakapressure sa totoo lang (hindi naman sa ayaw kitang kasama!!! Wag mong isipin yon. Pero ayoko na kasama kita at iniisip ko na hindi mutual ang trato natin sa isa't isa. Ang hirap makipagusap kapag alam mong "meron". Okay ang gulo ko. Basta ang awkward. Yun lang)

Ayoko lang din talaga na parang responsibilidad ko kung bakit naghihintay yung isang tao.

Okay ang mean ba ng mga pagkakasabi ko. Please, hindi ko intended na maging ganon pero eto lang yung nararamdaman ko, so sinasabi ko lang.

If ever na meron man nga na sobra na sa ineexpect ko, hindi naman sa pinapatagil kita pero gusto kong malaman mo, na sa kahit kanino man, gusto ko lang sa ngayon ay maging magkaibigan. As in yung chill lang, masaya kasi alam mong, walang gusto yung isa man sa inyo. Gusto niyo lang magkasama kasi magkaibigan kayo =)

Sana maintindihan ang mga sinasabi ko. Ang gulo gulo kong tao!!!

Pero sana kung nababasa mo man to, wag mo kong iwasan. Gusto ko na magkaibigan pa rin tayo. Yung parang dati lang. Mas masaya, sa tingin ko kung magiging ganon.

Ayon, ewan ko, ang immature ko lang talaga sa mga ganitong bagay at ayokong mailang kapag kasama ko kung sino man sila. So yun.

At nailabas ko na rin ang lahat kasama ang isang mahabang buntong-hininga.
0 Responses