Hindi ko alam kung dapat ko bang ipost 'to. Ilang araw ko ding pinag-isipan. In the end, bahala na si Batman.
Sobrang dami kong gustong sabihin ngayon, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ilang araw din akong kinabahan, di nakatulog kakaisip kung ano ba talaga yung sasabihin mo. Simula pa lang, naramdaman ko na, may iba talaga - alam kong di maganda yung mangyayari. Pero merong maliit na parte ng utak ko, umaasa na sana ito na yun.
At yun nga sa wakas sinabi mo din.
Masaya naman ako. Atleast diba ngayon medyo malinaw na kung ano tayo sa isa't-isa.
Sabi mo ayaw mo akong masaktan.
Sabi mo hindi ka pa sigurado.
Sa totoo lang, kahit ako, hindi pa rin ako sigurado sa kung ano mang nararamdaman ko talaga. Basta ang alam ko okay ang lahat pag nandyan ka. Ikaw yung lagi kong hinahanap, laging may kulang pag wala ka. Di ko naman to ginusto e. Ikaw kasi e!
At habang hindi ko masabi ang mga to sayo, nabubulag na ko sa pagsulat para lang pigilan ang pagtulo ng luha ko. Actually napaiyak na nga ako sa harapan mo mismo e. Tae lang ang hina ko. Naaawa na talaga ako ng sobra sa sarili ko. Patuloy akong umaasa, pero tama ka. Hindi natin kailangang magmadali kasi baka pagdating ng araw, pareho lang tayong masaktan.
Sabi mo special naman ako sayo. Ewan ko kung anong dapat kong ireact dun. Hindi ko naman siguro kailangang ipagsiksikan yung sarili ko sayo diba. Konting pride naman.
Sabi ko okay lang ako. Okay naman talaga ako atleast diba alam ko kung saan ako lulugar. Pero takte lang, bakit ang sakit lang kasi… ang sakit talaga. Kung hindi ikaw, bakit kailangan kong maramdaman to sayo? Ilang taon ko nang sinasabi tama na please. Ayoko na talaga. Ang hirap e. Pero kahit kaunting gawin mo lang, wala akong magawa kundi patuloy na maramdaman to sayo. Hindi mo kasalanan. Hindi kita sinisisi at salamat kasi sinabi mo habang maaga pa. At umaasa na lang ako na magiging okay pa rin tayo pagkatapos nito. :)
Importante ka saken kaya sana walang masyadong magbago. Sa ngayon hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, pero please, kung hindi ikaw, sana tumigil na to. Sana hindi ko na maramdaman. Patuloy na umaasa, patuloy na nasasaktan.
Time first muna.
At habang sinusulat ko to, para akong sira ulong umiiyak na nagsusulat sa phone ko habang hinihintay ang number ko para magdeposit sa bangko. Oh well, kanya kanya lang tayo ng kwento. :D